Ano Ang Dahilan At Nakaramdam Ng Takot At Kaba Si Basilio Nang Siya Ay Nasa Loob Ng Kagubatan?

Ano ang dahilan at nakaramdam ng takot at kaba si basilio nang siya ay nasa loob ng kagubatan?

El Filibusterismo

Kabanata 15: Ang Mga Sakristan

Sa kabanatang ito ay mababatid na si Basilio ay pahangos na nagtungo sa kanilang tahanan dulot ng takot na nararamdaman niya ng silang magkapatid ay parusahan ng kura para sa kasalanang ibinibintang sa kanila. Takot na takot ang kanyang tinig sapagkat siya ay nakatakas lamang sa kura habang abala ito sa pagpaparusa sa kanyang kapatid na si Crispin. Bukod dito, hindi rin niys maisip kung paano sasabihin sa ina na si Crispin ay kasalukuyang pinarurusahan ng kura sapagkat batid niya na magagalit ito at maaring sumugod sa kampanaryo. Ang lahat ng kanyang mga nakita at narinig ay nagdulot sa kanya ng malaking takot kaya naman ni hindi na niya nagawang ayusin ang sarili habang lakad takbo papauwi ng kanilang bahay. Sa pagkakataong ito hindi rin mawala sa isip ni Basilio ang posibilidad na kitilin ng kura ang buhay ng kanyang nakababatang kapatid kaya naman nagdadalawang isip siya kung magsusumbong o hindi sa ina. Nais niyang sabihin sa ina ang lahat ng mga ginawa ng kura sa kanilang magkapatid ngunit nagaalala siya na baka madamay ang ina sa parusang iginawad sa kanila. Natatakot siya na baka pati ang kanyang ina ay saktan at pahirapan nito.


Comments

Popular posts from this blog

10 Example Of Tambalang Ganap

Paano Mapapangalagaan Ang Pagkamamamayan