Ano Ang Paniniwala Sa Katoliko

Ano ang paniniwala sa katoliko

Alamin ang ilan sa paniniwala sa Katoliko:

1. Iniisip nilang ito ang relihiyon ng kanilang ninuno o angkan, kaya doon na sila tatanda hindi sila magbabago. Tutal, pare-pareho lang naman na sa Diyos pupunta ang mga relihiyon.

Ang sinasabi ng Bibliya- Juan 4:23,24 Gayunpaman, ang oras ay dumarating, at ngayon na nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat, sa katunayan, hinahanap ng Ama ang mga tulad nito upang sumamba sa kaniya. Ang Diyos ay Espiritu, at yaong mga sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan."

2. Ang Diyos ay si Jesus na bumaba sa lupa at nagkatawang tao. Trinidad ang tawag dito. Gumagamit ng imahen upang maging simbolo sa Diyos sa pananalangin.

Ang sabi ng Bibliya:

Juan 14:28 Narinig ninyo na sinabi ko, 'Aalis ako at babalik akong muli sa inyo.' Kung iniibig ninyo ako, magsasaya kayo na pupunta ako sa Ama, dahil ang Ama ay mas dakila kaysa sa akin.

Exodo 20:4,5 "Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na katulad ng anumang nasa langit o nasa lupa o nasa tubig.Huwag kang yuyukod sa mga iyon o matutuksong maglingkod sa mga iyon, dahil akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon, nagpaparusa sa mga anak dahil sa kasalanan ng mga ama, hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin,

3. Hindi nagkakamali ang Papa sa mga pagpapasya.

Ang sabi ng Bibliya:

Mateo 23:9 Huwag din ninyong tawaging ama ang sinuman sa lupa, dahil iisa ang inyong Ama, ang nasa langit.

Roma 3:23 Ang lahat ay nagkakasala at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ng Diyos;

4.Hindi nag-aasawa ang pari at madre.

1 Timoteo 4:1, 3 Gayunman, malinaw na sinasabi ng espiritu ng Diyos na sa hinaharap, may ilan na tatalikod sa pananampalataya at magbibigay-pansin sa mapanlinlang na pananalita na mula sa masasamang espiritu at sa mga turo ng mga demonyo . . . Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa

5.  Parurusahan sa maapoy na impiyerno ang masasamang ayaw magbago. Ilalagay siya sa purgatoryo kapag hindi pa tiyak ang hatol sa kaniya. Aakyat sa langit ang isa na naging mabuti at masunurin sa Diyos.

Awit 37:29 Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, At titira sila roon magpakailanman.


Comments

Popular posts from this blog

10 Example Of Tambalang Ganap

Paano Mapapangalagaan Ang Pagkamamamayan

Ano Ang Dahilan At Nakaramdam Ng Takot At Kaba Si Basilio Nang Siya Ay Nasa Loob Ng Kagubatan?