Ano Anong Buwis Ang Maaaring Itaas At Ibaba Para Maging Progresibo Ang Sistema Ng Buwisan Sw Pilipinas?

Ano anong buwis ang maaaring itaas at ibaba para maging progresibo ang sistema ng buwisan sw pilipinas?

Answer:

Ang Sales Tax at Value Added Tax

Ang Sales Tax ay ang pangkalahatang buwis na ipinapataw sa biniling produkto samantalang ang Value Added Tax naman ay ipinapataw sa halaga ng produkto at serbisyo na kinokonsumo ng mga tao. Ito ang mg buwis n maaring itaas at ibaba para maging progresibo ang sistema ng buwisan sa Pilipinas.

Buwis

Ang buwis o tax sa wikang Ingles ay ang pera o salapi na galing sa mamamayan upang ibayad sa pamahalaan bilang kontribusyon nito. Ito ay ginagamit bilang pondo ng pamahalaan sa mga proyekto at programa para sa kaunlaran ng bansa. Samakatuwid, ang buwis ay ang pera o salaping dapat bayaran ng mga tao sa pamahalaan.

Malaking bahagi o porsyento ng kita ng pamahalaan ang nangagaling sa buwis dahil ito ay ipinapataw ng pamahalaan sa mga ari-arian, tubo, kalakal, serbisyo at iba pa. May mga operasyon sa negosyo at pagkonsumo ng produkto at serbisyo na pinapatawan ng buwis. Ang pagbabayad ng buwis ng mamamayan ay isang obligasyon at responsibilidad dahil ang pera na nalilikom naman ay para rin sa pagpapaunlad ng bayan. Hindi maisasakatuparan ng pamahalaan ang napakarami nitong gawaing pangkabuhayan kung walang pondong gagamitin.

Ang pagpataw ng buwis ay likas at lehitimong kapangyarihan ng pamahalaan, pambansa man o lokal. Kaya hinihikayat ng pamahalaan na magbayad ng buwis ang mamamayan dahil ito ay isang paraan upang sumigla ang lokal na industriya.

Kahalagahan ng Buwis

  • Sa buwis nanggagaling ang pangastos upang matugunan ang mga pangangailangan ng bansa.
  • Malaki ang porsiyento ng pamahalaan ang nanggagaling buwis ng taong bayan.
  • Kapag malaking halaga ang nalilikom ng pamahalaan, maraming serbisyo ang maibibigay sa mamamayan.
  • Natutugunan ang lahat ng pangangailangan ng pamahalaan.
  • Nagkakaroon ng malaking pondo upang magamit sa programa tungo sa kaayusan at kaunlaran ng bansa.
  • Kung walang pagbubuwis, mahihirapan ang pamahalaan na ipatupad ang layunin tulad ng distribusyon ng kita, pagpapatatag g ekonomiya, at pagsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa mga link na:

brainly.ph/question/762926

brainly.ph/question/502323

#LetsStudy


Comments

Popular posts from this blog

10 Example Of Tambalang Ganap

Paano Mapapangalagaan Ang Pagkamamamayan

Ano Ang Dahilan At Nakaramdam Ng Takot At Kaba Si Basilio Nang Siya Ay Nasa Loob Ng Kagubatan?