Maganda At Makatulong Sa Mga Bata

Maganda at makatulong sa mga bata

Ang kabataan ang susi para sa isang malago at masaganang panlipunang ekonomiya. Maraming magagawa ang mga kabataan upang makamit ang mga nasabing adhikain. Ang unang magagawa ng kabataan para makamtan ang isang mabuting ekonomiya ay ang pagiging mabuting mamamayan nito. Ang pagiging mabuting mamamayan ay nakikita sa kung paano ka sumunod sa mga batas na ipinanukala ng gobyerno. Halimbawa na lamang nito ay ang pagsunod sa mga batas katulad ng batas trapiko, batas para sa pagtapon sa tamang basurahan at kung anu-ano pa. Sa mga malilit na bagay na ito

Makikita ang displina ng bawat kabataan na maaaring maging malaking tulong a paglago ng ekonomiya ng bansa.

Maari ring mag organisa o sumali sa mga grupo o organisasyon na may mga mabubuting adhikain at layunin ang mga kabataan upang sa ganoon sa murang edad pa lamang ay natuto na sila sa tamang pamamalakad sa kanilang mga buhay. Malaking tulong ang nagagawa ng mga ganitong organisasyon sapagkat nahahasa ang abilidad ng isang tao na makihalibilo at mamamuno na maaring malaking bahagi ng pag-unlad ng panlipunang ekonomiya sa hiniharap.

Naniniwala ako na sa tahanan o sa kanilang mga pamilya nagmumula ang inaasam na pag-unlad ng bawat kabataan. Ang tahanan ang nagging modelo nila sa kanilang mga buhay, kung ano kasi ang kabataan sa bahay may malaking epekto ito sa paaralan.


Comments

Popular posts from this blog

10 Example Of Tambalang Ganap

Paano Mapapangalagaan Ang Pagkamamamayan

Ano Ang Dahilan At Nakaramdam Ng Takot At Kaba Si Basilio Nang Siya Ay Nasa Loob Ng Kagubatan?