Pagpapahayag Ng Suliranin Tungkol Sa Maagang Pag-Aasawa

Pagpapahayag ng suliranin tungkol sa maagang pag-aasawa

Ang maagang pag-aasawa ay mayroong kaakibat ng mga suliranin o problemang maaaring kaharapin. Nararanasan ang mga problemang ito sapagkat maaaring hindi ka pa handa o hindi pa sapat ang iyong kaalaman kung papaano ang tamang pamamalakad sa pagkakaroon o pagbuo ng pamilya. Minsan naman dahil sa maagang pag-aasawa hindi mo pa nararanasan ang mag-sawa sa pagiging buhay dalaga o binata kaya nagiging dahilan ito ng mga pag-aaway dahil lagi ka paring nasa barkada habang ang iyong kabiyak ay problemado kung saan kayo kukuha ng makakain. Isa din rito ay maagang pagbubuntis ng babae, dahil sa maagang pagbubuntis maaaring hindi kayanin at magkaroon ng komplikasyon ang magiging sanggol sapagkat walang sapat na kakayanan na tustusan ang pangangailangang mga bitamina at pagkain.


brainly.ph/question/472613

brainly.ph/question/799459

brainly.ph/question/352595


Comments

Popular posts from this blog

10 Example Of Tambalang Ganap

Paano Mapapangalagaan Ang Pagkamamamayan

Ano Ang Dahilan At Nakaramdam Ng Takot At Kaba Si Basilio Nang Siya Ay Nasa Loob Ng Kagubatan?