Talasalitaan Ng Bayan Ng San Diego
Talasalitaan ng bayan ng san diego
Noli Me Tangere
Kabanata 10: Ang San Diego
Talasalitaan:
1. kamangmangan - kawalan ng kaalaman
Halimbawa:
Hindi sagabal ang kamangmangan sa pagkakaroon ng mabuting asal.
2. simboryo - lungaw o domo
Halimbawa:
Ang simboryo ay isang istruktura na makikita sa tuktok ng mga gusaling pang arkitektura.
3. nagpapastol - nag aalaga
Halimabawa:
Nakarinig siya ng tinig habang siya ay nagpapastol ng kanyang mga tupa.
4. masangsang - mabaho
Halimbawa:
Ang masangsang na amoy ay dulot ng mga basurang nabubulok sa tapat ng bahay.
5. bahaw - paos
Halimbawa:
Ang bahaw na tinig ay masarap na pakinggan sa tuwing kumakanta.
6. paimpit - pagaralgal
Halimbawa:
Dala ng sama ng pakiramdam, ang aking guro ay paimpit kung magsalita.
7. malupit - salbahe
Halimbawa:
Kilalang malupit ang matandang iyan kaya naman marami ang may ayaw sa kanya.
8. indiyo - mga katutubo
Halimbawa:
Tinawag na indiyo ni Padre Damaso si Ibarra kaya naman galit ang binata sa kura.
Comments
Post a Comment