Ano ang paniniwala sa katoliko Alamin ang ilan sa paniniwala sa Katoliko: 1. Iniisip nilang ito ang relihiyon ng kanilang ninuno o angkan, kaya doon na sila tatanda hindi sila magbabago. Tutal, pare-pareho lang naman na sa Diyos pupunta ang mga relihiyon. Ang sinasabi ng Bibliya- Juan 4:23,24 Gayunpaman, ang oras ay dumarating, at ngayon na nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat, sa katunayan, hinahanap ng Ama ang mga tulad nito upang sumamba sa kaniya. Ang Diyos ay Espiritu, at yaong mga sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan." 2. Ang Diyos ay si Jesus na bumaba sa lupa at nagkatawang tao. Trinidad ang tawag dito. Gumagamit ng imahen upang maging simbolo sa Diyos sa pananalangin. Ang sabi ng Bibliya: Juan 14:28 Narinig ninyo na sinabi ko, 'Aalis ako at babalik akong muli sa inyo.' Kung iniibig ninyo ako, magsasaya kayo na pupunta ako sa Ama, dahil ang Ama ay mas dakila kaysa sa akin. Exodo...